(02) 252 3236

Pagpupugay sa Lakas at Karapatan ng Kababaihan: Panawagan para sa Living Wage at Ligtas na Paggawa

$rows[judul]

Sa ngalan ng lahat ng kababaihan sa Pilipinas, tayo’y nagkakaisa at nagtitipon sa espesyal na araw na ito upang ipakita ang ating matatag na paninindigan para sa karapatan, dangal, at kapakanan ng bawat babae. Sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, itinatampok natin ang napakahalagang kampanya para sa Nakabubuhay na Sahod at Ligtas na Kondisyon sa Pagtatrabaho para sa mga Kababaihan.

Sa ating lipunan, napakaraming kababaihan ang patuloy na nagdurusa sa mababang sahod at mapanganib na kondisyon sa paggawa. Mula sa mga pabrika, ospital, paaralan, at maging sa informal sectors, lantad ang pagsasamantala at kakulangan sa proteksyon. Hindi luho ang living wage—ito ay karapatang pantao. Bawat babae ay nararapat makatanggap ng sahod na hindi lamang pantawid-gutom, kundi sapat upang magbigay-dignidad at maitaguyod ang kanilang pamilya.

Bukod dito, ang kaligtasan sa loob ng pinagtatrabahuhan ay isang pangunahing karapatan na hindi dapat ipinagkakait kaninuman. Walang babae ang dapat magtrabaho nang may pangamba para sa sariling kalusugan at buhay. May tungkulin ang pamahalaan at mga employer na tiyakin ang ligtas at makataong lugar-paggawa, lalo na para sa kababaihang patuloy na lumalaban sa gitna ng diskriminasyon at pagsubok.

Sa ating sama-samang pagkilos, tayo ang magiging tinig ng pagbabago. Ang lakas ng kababaihan ay kalas ng kilusan, ay lakas ng lipunan. Sama-sama nating itulak ang mga repormang magbibigay ng proteksyon, katarungan, at tunay na pagkakapantay-pantay sa lahat ng kababaihan.

Hinihikayat namin ang bawat isa—mga manggagawa, organisasyon, at komunidad—na sumama at makiisa sa laban na ito. Nasa ating mga kamay ang hinaharap ng ating mga kapatid na kababaihan. Ipaglaban natin ang mga karapatan, kilalanin ang mga sakripisyo, at itaas ang dangal. Sa buwan ng Marso, alalahanin natin na ang bawat babae ay may mahalagang papel sa paghubog ng mas makatarungan at pantay na lipunan.

Ang kababaihan, anuman ang estado sa buhay, ay kasing halaga at kasing tapang ng sinumang lalaki. Patuloy tayong bumabangon sa kabila ng mga hamon at diskriminasyon. Tayo ay may matibay na pananaw, matapang na tinig, at may positibong paninindigan na ipaglaban ang aming mga karapatan sa kabila ng pagsubok.

Ngayong Buwan ng Kababaihan, itampok natin ang ating talino, lakas, at walang kapantay na sakripisyo. Magkaisa tayo sa pagsusulong ng tunay na pagkakapantay-pantay sa sahod, kaligtasan sa trabaho, at pantay na pagtingin sa lahat ng aspeto ng buhay.

Isang Mapagpalayang Buwan ng mga Kababaihan para sa lahat ng matatapang at nagkakaisang kababaihan sa ating lipunan!

#LivingWageNow #SafeWorkplaces #KababaihanParaSaKatarungan

-Christine Angel/ Jovy/ Chery

Write comment

(Not shown in comments)